Shared post from ScienceKonek
𝗠𝗲𝘁𝗿𝗼 𝗠𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮: 

Sa mga susunod na buwan, posibleng mas maramdaman ang matinding init dulot ng El Niño kaya marami ang muling maghahanap ng masisilungang mga puno. Ngunit, nasaan na nga ba sila?
Sa higit 630 kilometro kwadradong laki ng Metro Manila, iilang lugar na lamang ang may saganang kagubatan, tulad ng La Mesa Watershed sa dulo ng Quezon City. May pangilan-ngilang mga maliliit na kagubatan rin sa ibang bahagi ng Kamaynilaan, tulad ng Arroceros Park sa Maynila at ang ilang bahagi ng UP Diliman Campus.
Ang higit na karamihan sa mga lupa sa Metro Manila ay napatungan na ng mga konkretong gusali, kabahayan, kalsada, at iba pang mga imprastraktura na mas nagpapaigting ng nararamdamang init na kilala sa tawag na "urban heat island effect."
Sa kakulangan ng mga parke at mapupunong mga lugar, napipilitan na lamang ang mga tao na lumagi sa mga mall at iba pang establisyimento. #ElNiño #heatindex #TagInit

No comments:
Post a Comment